muling ibalik

hay yung dati kong crush nung highschool ako, nakita ko na naman. at nakakatawa, kasi halos araw araw na nagkikita tapos nagkakasama. hindi ko alam pero mukhang bumabalik yung dating paghanga ko sakanya hay tapos naririnig ko pa syang kumanta hay :) kaso, misleading

Srsly? I am physically, emotionally, and mentally tired. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang daming problema.
School. ang bibigat na ng subjects namin though anim lang yon. Sobrang nakaka stress. 2nd week palang ng pasukan pero sobrang dami na ng pinapagawa. Hindi ko rin napagtutuuan ng pansin ang pagaaral ko. Feeling ko, hindi ako ready kahit alam kong ready naman talaga.
Community. busy din para sa darating na pyc. Isa ako sa mga head ng committee. Ok sana kung may katulong ako sa paggawa ng mga poster and stuff kaso wala. Tapos nakakafrustrate pa kapag deadline na. Kadalasan ang bagal ng internet kaya madedelay tapos ikaw na naman yung masasabon. Ang hirap kaya! Tapos napakademanding pa.
Bahay. dahil walang katulong, bale ako lahat gumagawa. Okay lang naman eh kaso nakakapagod din. Lahat ng utos, sayo ipapasa. Bago pumasok sa skwela, pagod. Pagkauwi galing school, pagod. Bago matulog, pagod. Utang na loob naman! Hindi ako robot. Isa isa lang pwede? Mahina ang kalaban.

Sorry pero sabi ko, magiging active ako this year pero di ko ata matutupad yon pero hanggat kaya ko, kakayanin. Hirap na hirap na kasi talaga ako. Mama, papa, ate.. Miss ko na kayo :’( kailangan ko ng tulong nyo. Gabi gabi nalang ako umiiyak.

Flaws + Awesome

Sometimes I wish I wasn’t me. Sometimes I wish that I’m a different person. I hate my physical appearance. Flat nose, pimples all over my face, and stuff. I hate my personality. I’m a short tempered person, easily tempted, and has a bad attitude.

But on the other hand, I am thankful that I AM ME. Like hey, I’m blessed to have a supportive and loving family. I have my ever loyal and real friends. I excel in my studies. Step by step, I am reaching my goals in life. And lastly, I am so so blessed cause I am a Princess. I am a princess because my father is the King.

I have flaws. So what? All I can do is to embrace it and change some of my bad attitudes into good. I AM ME BECAUSE I AM ME. I’m FLAWSOME

Committed a sin again hay I said to myself that I’ll never ever do it again.. What happened? Talkshit. Am I hopeless? Save me.

TG. Nagaalangan talaga ako e.nung sinabihan kasi ako ako yung magbibigay ng talk, kinabahan talaga ako. kasi that time, aminado akong napapalayo ang loob ko sa Kanya kaya hindi ako makapag decide ng maayos. Pero kanina, after ko mag prayer time, nag YES na ako kay God. Though, may doubts pa rin sa puso ko. But I know na plano Nya ‘to for me. Alam Nya kung ano ang makakabuti saakin. Lord, tulungan Nyo po ako ah? Kasama ko kayo sa task na ‘to =)

cussing machine

malala na yang bunganga mo kuya ah. bawat salita na lumalabas sa bibig mo, 90% mura. okay lang naman sana eh kaso, to the highest level na yung iyo. pakibawas bawasan pls. ayoko maging judgmental pero lumalabas na wala kang breed. sorry for the word. ako, aminado ako noon na palamura ako. pero look at me. I changed. I changed for the better. sana ikaw rin. Hindi mo naman kasi ikaka-cool yang pagmumura mo eh. I am your friend that’s why i am concerned. sa pagkikita natin ulit, pasensyahan nalang kung may masabi ako sayong hindi mo magugustuhan. para sayo din naman kasi ‘to

Weh? talaga? seryoso yang post mo? baka naman pinost mo lang yan kasi ayaw mong paghinalaan ka namin? hahahaha joke! pa menh ka teh! hwag ganyan :P

Kelan ko ba ‘to titigilan? Alam kong mali ‘to e pero bakit paulit ulit ko pa ring ginagawa? Ilang beses ko na bang sinabing, “Tama na. Last na ‘to” pero wala. Ano bang problema ko. Naiinis ako sa sarili ko bat di ko magawang pigilan. Sana, after ko mag confess wala na. The End na. Please :(